Sunday, September 28, 2008

Sinok

Sabi ng Chem teacher ko nung highschool, si Mrs. Rubio, "Less talk, less mistake"

Sabi naman ni Ren sa blog entry niya na nabasa ko kani-kanina lang. "hindi rin sagot ang katahimikan, kailangan may sabihin kahit wala na nga talagang masabi, sulat lang ng sulat"

Dagdag pa niya, "Magsulat para may masabi lang, dahil pag dumating ang oras na wala ka na talagang masabi, kahit ang mga salitang wala ka nang masabi ay hindi na lalabas, hihinto na lahat at mawawala, parang"

Sabi ko naman. Less talk, less mistake ay pareho rin ng "Less emo-ish blog entries, less things, less thoughts to explain or to justify." Tama?

Pero minsan talaga, kahit hindi ka na dapat magsalita o magsulat ay napapasalita o napapasulat ka pa rin. Minsan kasi, kailangan lang talagang ilabas. Parang dighay (burp) lang. Pag hindi mo nilabas, nakakasinok.

Mrs. Rubio, I am saying less, compared to what I plan to or can say (which is more) kasi ayoko pong masinok. Bow. :)



No comments: